--Ads--

Kamag-anak ng nawawalang contractor, naiiyak na nanawagan sa Bombo Radyo

CAUAYAN CITY- Nanawagan sa pamamagitan ng Bombo Radyo Cauayan ang kamag-anak ng nawawalang contractor sa mga mayhawak sa kanyang tiyuhin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Joy Fabio, 30 anyos gulang, pamangkin ng nawawalang si Vicente Cabrera, 46 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Villarta Street, District 1, Cauayan City kanyang sinabi na kanilang ikinabahala ang sumbong ng mga tauhan ng tiyuhin kaugnay sa natanggap na mensahe mula sa mismong cellphone ng biktima.

Nagpalam anya sa maybahay ang biktima na magpapasahod ng kanyang mga construction workers sa bayan ng Alicia subalit hindi na bumalik sa kanilang tahanan.

--Ads--

Sinabi ni Fabio na batay pa sa mga mensaheng natanggap ng mga tauhan ni Cabrera na nanlaban umano ang biktima kaya nila pinatay kasabay ng pagkuha ng perang mahigit P/100,000.00.

Anya ang kanyang tIyuhin ay sakay ng motorsiklong itim, naka-helmet ng puti, naka-jacket ng gray, naka-short ng yellow na may print na itim, nakasando ng blue at naka-tsinelas.

Nai-iyak si Fabio na nanawagan sa mga mayhawak sa kanyang tiyuhin na ibalik o kaya ay sabihin ang kinaroroonan ng kanilang kaanak.