--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na magsasampa pa ng kaso ang kamag-anak ng isang security guard na namatay matapos mabangga ng isang Ford Everest sa lansangan na sakop ng Brgy. Dagupan,San Mateo, Isabela.

Unang napaulat na nasawi ang biktimang si Francisco Quitoras Jr., 20 anyos at residente ng Salinungan West, San Mateo matapos mabangga ng tsuper na si Francisco Manno, 57 anyos isang mining engineer at residente ng La Trinidad, Benguet.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station, handang tumulong ang mining engineer sa pagpapalibing ng biktima.

Dahil dito ay nagkasundo ang magkabilang panig at wala nang magsasampa ng kaso.

--Ads--

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang dalawang behikulo ay galing sa magkasalungat na direksyon nang biglang nag-ovetake ang sasakyan na minamaneho ni Manno.

Nagresulta ito ng pagkakabunggo ng kasalubong na motorsiklo ng biktimang si Quitoras.

Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na agad dinala sa pagamutan subalit ideneklarang dead on arrival.