--Ads--

CAUAYAN CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na sinasabing nagpakamatay sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo  Cauayan kay Gng. Clarita Cortez, residente ng Nungnungan I, Cauayan City, sinabi niya na kaduda-duda ang pagkamatay ng kaniyang bayaw na si Elmer Cortez, 34 anyos na OFW sa Riyadh.

Sinabi niya na ipinabatid sa kanila na nagbigti-patay si Elmer subalit sa ilang larawan na ipinadala sa kanila ay makikitang tila nakaupo ang kaniyang bayaw at hindi nakabitin.

Bago ang pangyayari ay nakausap pa nila ang kaniyang bayaw at batay sa pag-uusap nila ay nasa maaayos siyang kalagayan bagamat iniinda ang pananakit ng kanyang tiyan.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay hindi na nila alam kung nasaan na ang labi ng kaniyang bayaw.

Hiling ng pamilya Cortez kay Labor Secretary Silvestre Bello na tulungan silang maiuwi ang bangkay ni Elmer at maimbestigahan ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang pahayag ni Gng. Clarita Cortez