--Ads--

Niratipikahan na ng Kamara de Representantes at Senado ang bicameral conference committee report para sa P6.7-trilyong pambansang budget sa taong 2026.

Ginawa ng Kamara at Senado ang ratipikasyon ng parehong araw, Disyembre 29, 2025.

Una rito, ang bicameral report ay nilagdaan ng mga kinatawan mula sa dalawang kapulungan noong Disyembre 28, 2025 sa PICC, Pasay City.

Pagkatapos ng ratipikasyon, ipapadala ang enrolled bill sa Malacañang para sa lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Enero 5, 2026.
Ito ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng bansa, na naglalayong pondohan ang mga pangunahing programa sa imprastruktura, edukasyon, at serbisyong panlipunan.

--Ads--

Gayunman, ilang mambabatas ang nagpahayag ng pangamba sa umano’y “pork barrel” na nakapaloob sa unprogrammed appropriations.

Sa kabila nito, tiniyak ng liderato ng Kongreso na mas naging bukas ang proseso ngayong taon dahil sa live-streaming ng bicameral deliberations.

Ang mabilis na ratipikasyon ay nagpapakita ng kagustuhan ng lehislatura na masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan sa pagsisimula ng 2026.