--Ads--

Napaaga ang pag-exit ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa Qatar Open 2026 matapos matalo sa unang round laban kay Tereza Valentová ng Czech Republic noong Pebrero 9 sa Khalifa International Tennis and Squash Complex sa Doha sa score na 7-6 (8), 6-1 pabor kay Valentová.

Mahigpit ang labanan at umabot sa tiebreak, ngunit nakuha ng Czech player ang set, 8-6.

Mabilis na nakontrol ni Valentová ang laro, nanalo ng limang sunod na game bago tuluyang tinapos ang set sa 6-1.

Ayon sa tala ng laban, solid ang service ni Valentová na nagtala ng apat na aces at nanalo sa 75% ng kanyang first-serve points, kumpara sa 56% lamang ni Eala. Nakapagtala rin siya ng apat na break-point conversions mula sa pitong pagkakataon.

--Ads--

Ang laban ay tumagal ng mahigit isang oras, at ito na ang ikalawang panalo ni Valentová laban kay Eala sa kanilang head-to-head record.

Sa kabila ng pagkatalo, nananatiling mataas ang ranking ni Eala bilang World No. 40, ang pinakamataas na naabot ng isang Pilipino sa kasaysayan ng WTA.