CAUAYAN CITY- Pinangunahan ng Isabela Police Provincial Office ang isinagawang lingguhang oversight committee meeting.
Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang kampanya kontra illegal na gamot, illegal gambling at krimen.
Ang pulong ay pinangunahan ni P/Sr. Supt Romeo Mangwag, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office.
Unang pinag-usapan ang mga nagampanan sa kampanya laban sa illegal na droga sa pamamagitan ni P/Chief Inspector Andy Orilla, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit.
Noong April 3-9, 2018 ay tatlo ang nagampanan sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot sa San Mariano, San Manuel at Alicia, Isabela.
Pinakamataas ang accomplishment ng Isabela sa Region 2 at walang dumanak na dugo dahil hindi nanlaban sa mga dinakip na sangkot sa droga.
Tinalakay din ang mga hindi nalulutas na kaso ng pamamaril, panloloob at pagnanakaw.
Sa kampanya laban sa illegal mining, ang pulisya ng cordon, isabela ang nakapagtala ng tatlong pinaghihinalaan sa nasabing aktibidad.




