--Ads--

CAUAYAN CITY – Puspusan na ang pag-eensayo ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas 2019 kabilang ang kandidata mula sa Naguilian, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 2019 Bb Pilipinas candidate Pauline Anne Barker ng Naguilian, Isabela sa ngayon ay pinag-aaralan niya ang question and answer para mapaghandaan dahil isang linggo na lamang ay gaganapin na ang coronation night.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan niya ang mga current events at mga isyu na maaring maitanong sa mga kandidata ng Bb Pilipinas.

Sinabi pa ni Bb. Barker na gagawin niya ang kanyang makakaya upang manalo sa patimpalak-pagandahan.

--Ads--

Samantala, sinagot din niya ang madalas na panalo ng mga half Pinay sa patimpalak pagandahan at sinabing hindi ito isyu dahil hindi lamang sa pagiging purong pinoy maipapakita ang pagiging Filipino dahil ang mahalaga ay ang pagpapahalaga sa pinagmulan.

Ang tinig ni Bb. Pauline Anne Barker