--Ads--

Tinanghal na Miss Tourism Philippines Queen Worldwide 2024 ang kandidata ng lalawigan ng Isabela na si Jennah Winsley Britanico mula sa bayan ng Cabatuan.

Miss Tourism Philippines Ambassador 2024 naman ang pambato ng Tarlac at Miss Tourism Philippines Orient Global 2024 ang kandidata mula sa Ilo-ilo City.

Samantala, nasungkit naman ni Sunshine Gabuat mula sa Santiago City ang 1st Runner-up, 2nd Runner-up ang mula sa Occidental Mindor, 3rd runner-up ang pambato ng Nueva Vizcaya na si Sharmaine Joyce Ollio Alilin, 4th runner-up ang Ilocos Sur at 5th runner-up ang Himalayan City Negros Occidental.