--Ads--

Dinakip ng mga otoridad ang isang kandidato sa pagka-konsehal at kanyang sa ikinasang operasyon ng PNP kontra iligal na droga sa Tabuk City, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol. Medie Lapangan Jr., Chief ng Provincial Community Affairs Development Unit o PCADU ng  Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya na isinilbi ang search warrant isang bahay sa San Francisco, Dagupan Weste, Tabuk City, Kalinga kung saan naaresto ang ng 39-anyos na aspirant sa pagkakonsehal sa bayan ng Pasil Kalinga at ang kanyang 32-anyos na driver na parehong nasa listahan bilang High Value Individuals.

Nasamsam ng mga kasapi ng pulisya sa kanilang paghahalughog sa bahay ng suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P1.5 milyon.

Nakumpiska rin ang tatlong baril na kinabibilangan ng isang Glock pistol, isang revolver, at isang Taurus “black widow” Cal. 9mm snub nose revolver, magazine na may lamang mga bala at drug paraphernalia.

--Ads--

Matapos ang pagmamarka sa mga ebidensya ay dinala ang mga suspek sa Tabuk City Police Station at sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa kanila.

Ayon kay PLtCol. Lapangan dati nang may kinakaharap na kaso ang kandidato sa pagkakonsehal.