--Ads--

Maaari umanong ma-diskwalipika ang mga kandidato na hindi makasunod sa limang araw na palugit na ibinigay ng Commission on Elections para baklasin ang kanilang nga Campaign Materials.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng Comelec Region 2, sinabi niya na nanalo man o natalo sa halalan ay obligasyon nilang tanggalin ang kanilang mga kalat.

Aniya, ang isa sa mga pinakamabigat na maaaring ipataw sa mga hindi makasunod sa alituntunin ay ang tuluyang pagkaka-diskwalipika sa mga ito kung saan maaaring hindi na sila makatakbo sa anumang posisyon.

Maliban sa pagbabaklas ng campaign materials ay pinaghahandaan din ng Comelec Region 2 ang filing ng Statement of Contributions and Expenditure (SOCE) ng mga kandidato.

--Ads--

30 days matapos ang halalan noong Mayo 12 ay ay dapat nakapag-sumite na ang lahat ng kandidato ng kanilang SOCE upang matukoy kung magkano ang kanilang nagastos sa kanilang pangangampanya.

Ino-audit aniya ng Comelec ang mga isinumiteng SOCE ng mga kandidato upang matukoy kung tugma ba ang mga datos at kung nasunod ang 5 pesos na gastos sa bawat botante.

Mapapatawan aniya ng administrative fines ang mga bigong makapag-sumite nito.