--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa pa lamang ang aspirant candidate na nagfile ng Certificate of Candidacy o COC sa Lungsod ng Santiago.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer ng Comelec Santiago City sinabi niya na walang aspirant candidate na nagfile ng COC sa unang araw ng filing noong unang araw ng Oktubre, 2024.

Kahapon na lamang ng hapon mayroong nagfile sa katauhan ni dating Sangguniang Panlungsod Member Christian Vincent Aggabao na isang independent candidate at si Jay Arcie Co ng Aksyon Demokratiko.

Pinaalalahanan naman niya ang mga aspirant candidate na tiyaking nasunod ang panuntunan ng Comelec sa size ng bond paper na gamit sa Certtificate at tiyakin din na ang naka-attached na picture sa COC ay hindi edited o nakafilter.

--Ads--

Huwag ding kalimutang I-attach ang documentary stamp tax at kailangang nafill-out ang lahat ng dapat lagyan ng impormasyon sa COC at kung wala namang mailagay ay lagyan na lamang ng Not Available o N/A at notaryado na bago pa ipasa sa Comelec.

Maliban sa dalawang nagfile ay wala nang iba pang nagtungo sa kanilang tanggapan para sa COC Filing at wala namang naging problema ang mga ito sa kanilang mga ipinasang dokumento.

Tiniyak naman niya ang kahandaan ng Comelec Santiago sa pag-accommodate sa mga aspirant candidate na magfa-file ng kanilang kandidatura para sa 2025 Midterm Election.