--Ads--

CAUAYAN CITY – Posibleng ihayag na sa susunod na linggo ang kapalit ng yumaong si City Councilor Alex Uy ng Cauayan City.

Ito ang inihayag ni City Mayor Bernard Dy makaraang mayroon na umano silang napili na magiging kapalit ng namayapang konsehal subalit tumanggi muna siyang pangalanan .

Gayunman, tiniyak na ang papalit kay dating SP Member Uy ay magiging kasinghusay nito at kapareho ng dedikasyon sa pagtatrabaho.

Ayon pa sa City Mayor, nakikita niya na determinado ang papalit sa nasabing opisyal dahil galing din siya sa pamilya ng mga politiko.

--Ads--

Hindi umano matatawaran ang nagawa ng naturang pamilya dahil sila rin ay nagsilbi ng matagal dito sa Cauayan City

Magugunitang noong nakaraang buwan ay sumakabilang buhay si Sangguniang Panlunsod Member Alex Uy dahil sa matagal niyang karamdaman.