Patuloy na ipinatutupad ng Santiago City Police Office (SCPO) ang mga lokal at barangay ordinansa sa lungsod bilang bahagi ng kanilang normal na tungkulin sa pagpapatupad ng batas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLTCOL Saturnino Soriano, Chief ng Community Affairs and Development Unit (CADU) ng Santiago City Police Office, sinabi nito na kabilang sa regular na police functions ang pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod at mga barangay.
Ayon kay PLTCOL Soriano, bukod sa pagpapatupad ng mga lokal na regulasyon, mandato rin ng kapulisan ang pagpapatupad ng mga programang kontra kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.
Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga barangay at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga programa ng kapulisan laban sa krimen sa lungsod.











