--Ads--
Tinig ni Labor Sec. Silvestre Bello III

CAUAYAN CITY– Humiling na nang 2.8 billion pesos na karagdagang pondo sa pamahalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang ayuda sa mga mangagawang maaaring mawawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng COVID19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III sinabi niyto na hiniling nila ang karagdagang 1.8 billion pesos para sa local employment habang 1.5 billion pesos naman para sa overseas filipino workers (OFW).

Aniya ang nasabing pondo ay ilalaan ng DOLE sa pagbibigay na emergency employment at livelihood assistance sa mga manggagawang nakaambang mawalan ng hanapbuhay.

Maliban dito ay iminumungkahi na rin niya sa mga employer ang pag-adopt sa telecommuting act at flexible working hour para sa kanilang mga empleyado upang maiwasan na ma-expose sa COVID 19 ang mga manggagawa.

--Ads--

Una rito ay nagbaba na siya ng kautusan sa mga kababaihang kawani ng DOLE na 4 days a week na pasok ng mga ito bilang pakikiisa sa Women’s Month.

Samantala, nakahanda na rin ang DOLE na iuwi sa bansa ang mga OFW na apektado ng total lockdown sa Italy.