Plano ng Konseho ng bayan ng Reina Mercedes na madagdagan ang budget para sa mga Senior Citizen sa susunod na taon.
Ito ay matapos na 1% mula sa allotted budget ng nasabing bayan ang nailaan sa kanila ngayong taon at maging sa mga pag-uusap para sa susunod na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Paulo Addun ang chairman ng Committee on Appropriation, budget and Maintenance, sinabi nitong nagkaroon sila ng pagmumulong kasama ang konseho at mga concerned agencies upang pag-usapan ang budget sa mga susunod na taon.
Kabilang sa kanilang tinalakay, ay ang nakalaan na pondo para sa mga senior citizens at People with Disability (PWD) na nasa 1% lamang ang kabuuang budget ng opisina.
Aminado siya na kulang na kulang ang budget na nakalaan sa mga Senior Citizen kaya naman umaasa ito na madaragdagan ang nakalaang budget sa kanila.
Aniya, tungkulin ang karagdagang budget sa hanay ng MSWD na siya ring tumitingin sa mga Senior Citizen.










