Inihayag ni Atty. Raymund Palad, abogado ni Ramil Madriaga, nakarekober sila ng mga text messages at screenshots na umano’y nagpapakita ng personal na koneksyon sa mga tao mula sa security circle ni Vice President Sara Duterte.
Ang mga mensahe ay mula sa dating security officer ni Duterte, Col. Dennis Nolasco, at naglalaman ng mga detalye ng bank at digital payment accounts.
Sinabi ni Palad na sinubukan niyang magdeposito sa Landbank at GCash accounts na binanggit sa mga mensahe, at nakumpirma niyang aktibo ang mga ito.
Ang mga text messages (mula 2022–2023) ay naglalaman ng mga casual na usapan tungkol sa gastos at aktibidad, pati na rin ang mga diskusyon tungkol sa confidential funds na tinalakay sa Kongreso.
Ang screenshots ay mula sa Facebook Messenger account ni Madriaga, na nakuha ng kanyang mga kamag-anak.
Nasa kustodiya pa rin ng PNP ang tatlong cellphone ni Madriaga, na posibleng maglaman ng karagdagang ebidensya kapag na-forensic.
Matatandaan na lumutang si Madriaga bilang potensyal na testigo sa impeachment complaint laban kay VP Duterte, matapos niyang igiit na may direktang ugnayan siya sa dating boss.










