--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala nang gagastusin pa sa pagpapatubig ang mga magsasaka sa Cabaruan, Quirino, Isabela matapos pasinayaan ang pinakamalaking solar powered irrigation sa naturang bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA MARIIS, sinabi niya na ang naturang solar project ay mayroong dalawang 250 horse power na water pump na kayang magpalabas ng 12,800 gallons per minute.

Ito ay pinapatakbo ng 1,056 sollar panels na kayang mag-produce ng 740 kilowatts at kayang magpatubig ng nasa 350 na hektarya ng sakahan.

Aniya, maaari pa itong umabot sa limandaang hektarya kung ma-mamaximize ng maayos ang paggamit sa tubig.

--Ads--

Hindi aniya ito ginagamitan ng Gasolina o Kuryente kaya malaking ginhawa ito para sa mga magsasaka.

Mayroon naman anya itong 10-15 na taon warranty kaya’t inaasahan ding tatagal solar powered irrigation.

Umaabot naman sa 65.77 million pesos ang pondong inilaan para sa solar powered irrigation na sinimulan ang konstruksyon noong July 2023 hanggang sa February 2024.

Ito naman ang pang labing-isang solar irrigation project ng NIA-MARIIS at mayroon pa silang tinatarget na 40 Units na inaasang mailalagay sa mga dulo ng irrigation para matiyak ang tuloy-tuloy nilang patubig.