--Ads--

CAUAYAN CITY- Umaasa ang hanay ng Philippine Army na agad na maipapatupad ang pagtaas ng kanilang Subsistence Allowance.

Matatandaan na nitong ika-14 ng Marso ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Executive Order 84 na naglalayong itaas sa 350 pesos ang subsistence allowance ng mga Armed Forces of the Philippines (AFP) Personnel mula sa dating 150 pesos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay AMaj. Eduardo Rarugal, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na noong nakaraang taon pa nag-request ang AFP ng dagdag sa kanilang allowance nguntit ngayon lang ito naaprubagahan.

Bagama’t aprubado na ito ng Pangulo ay hindi naman umano agad ito maiimplementa dahil dadaan pa ito sa proseso bago maisapinal at ma-implement.

--Ads--

Umaasa naman siya na bago matapos ang masimulan na ang implementasyon ng naturang executive order lalo na at taong 2015 pa nang huli itong naitaas.

Aniya, ang subsistence allowance ay ang daily allowance ng mga AFP Personnel na ginagastos na kanilang ginagamit para sa kanilang pagkain pangunahin na kapag sila ay nadeploy at nag-ooperate sa ibang lugar.