--Ads--

CAUAYAN CITY – Karamihan sa mga kongresista ay nais hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Congressman Tonypet Albano ng unang distrito ng Isabela, sinabi niya na karamihang kongresista kabilang na siya, ay naniniwala na pre-mature ang April 12 upang alisin ang lockdown sa bansa dahil wala pang isinagawang COVID-19 Mass Testing.

Mahalaga aniyang magkaroon ng mass testing o tamang sistema sa bansa upang matukoy kung gaano naapektuhan ng COVID-19 ang bansa.

Palaki ng palaki ang numero ng nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa at dumarami na ang namamatay.

--Ads--

Mahirap aniyang pakawalan ang lockdown dahil hindi alam kung sinu-sino ang mga nakauwi na sa Pilipinas mula sa iba’t ibang mga bansa bago pa man maipatupad ang lockdown.

Mahirap aniyang magpakampante ang pamahalaan at alisin ang lockdown kung wala pang naisasagawang mass testing.

Sinabi pa ni Cong. Albano na naging maagap ang pangasiwaang Duterte sa paglockdown ng bansa kaya kinakailangan munang pag-aralang mabuti kung pakakawalan na ang lockdown.

Kinakailangan aniyang sugpuin muna ang COVID-19 sa bansa bago alisin ang lockdown.

Tinig ni Congressman Tonypet Albano.