--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ng pinuno ng meat section sa pribadong pamilihan na may kakulangan sa tustos ng karne ng kalabaw at baka sa Cauayan City ngayong holiday season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Boyet Taguiam , pinuno ng meat section, inihayag niya na dahil sa kawalan ng supply ng kalabaw at baka sa Cauayan City ay bumibili sila sa ibang bayan tulad ng Jones, San Agustin at Tumauini.

Dahil dito, posibleng tumaas ang presyo ng karne ng kalabaw at baka sa lunsod.

Ang karne ng baboy ay walang problema dahil sapat ang supply nito hanggang sa pagsapit ng pasko at walang pagtaas sa presyo

--Ads--

Samantala, Iinihayag pa ni Ginoong Taguiam na matumal ang bentahan ng karne kumpara noong nakaraang taon.