--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang karpintero dahil sa illegal na droga sa Barangay Calaccab, Angadanan, Isabela.

Ang dinakip ay si Felixbert Labuguen, 43 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Loria, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office at Angadanan Police Station sa pangunguna ni SPO4 Samuel Garcia.

Nakuha sa operasiyon ang 3 sachet ng hinihinalang naglalaman ng shabu, Php1,000.00 buy bust money at drug paraphernalia.

--Ads--

Ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Angadanan police station para sa kaukulang disposiyon.

Siya ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).