--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng San Agustin Police Station para matukoy at madakip ang suspek sa pagbaril at pagpatay kagabi sa isang karpintero sa Purok 5, Salay, San Agustin, Isabela.

Ang biktima ay si Dennis Dela Cruz, nasa tamang edad, karpintero at residente sa nasabing barangay.

Nagtungo ang biktima sa bukid na malapit sa kanilang bahay para ipastol ang kanyang alagang kalabaw nang makarinig ang kanyang asawa ng sunud-sunod na putok ng baril.

Agad tiningnan ng ginang ang kanyang mister at nakita na wala nang buhay at may tama ng bala ng baril.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay dating Sangguniang Bayan member Eddie Mayor ng San Agustin, Isabela, sinabi niya na nakatanggap siya ng tawag kagabi upang kunin ang bangkay ng biktima para sa serbisyo ng pag-aari niyang punerarya.

Aniya, kilala niya si Dela Cruz dahil madalas siyang pumupunta sa kanilang barangay noong siya ay kasapi pa ng Sangguniang Bayan.