--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang karpintero matapos mabangga ng isang tricycle sa pambansang lansangan na bahagi ng San Fabian, Echague, Isabela.

Ang biktima ay si Samuel Tambalque, 63-anyos, karpintero at residente ng Rizal, Alicia, Isabela habang ang tsuper ng tricycle ay si Francisco Olipas, 68-anyos, may asawa, Tricycle Driver at residente ng Songsong, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng Tricycle ang pambansang lansangan na bahagi ng Barangay San Fabian patungong bayan ng Alicia nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nabangga nito si Tambalque na tumatawid sa kalsada.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

--Ads--

Dinala naman si Olipas sa Echague Police Station para sa kaukulang disposisyon.