--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang karpintero sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Osmena, Solano.

Ang pinaghihinalaan ay si Marlon Duatin, tatlumpu’t limang taong gulang, may-asawa, karpintero, at residente ng Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Nabili sa kanya ng pulis na nagpanggap na buyer ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng halos dalawang libong piso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Anthony Ayungo, hepe ng Solano Police Station, sinabi niya na ito na ang ikalawang pagkakataon na nahuli ang suspek sa drug buy bust operation.

--Ads--

Aniya taong 2013 nang unang masangkot sa iligal na droga si Duatin at nakulong.

Tinitingnan naman sa ngayon ng pulisya kung konektado ang pinaghihinalaan sa iba pang drug personality na hinuli kamakailan sa iba’t ibang lugar sa Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Solano Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.