Puspusan na ang ginagawang counseling ng mga tanggapang bumubuo ng counseling body ng Kasalang Bayan 2026.
Ang counseling body ay kinabibilangan ng City Population Office, City Nutrition Office, at City Health Office na siyang nagsasagawa ng seminar sa lahat ng mga coupoles na makikibahagi sa Mass Wedding sa Pebrero 12, 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Nutrition Officer Mary Jane Yadao, isa sa mga council na itinalaga para sa nutrition education ng mga couples, sinabi niya na puspusan na ang ginagawang isinasagawa nilang aktibidad upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagpasok sa buhay may asawa.
Aniya, batay sa pakikipag-usap nito sa City Population Office, nagsimula pa noong buwan ng Disyembre 2025 ang isinagawa nila ng seminar.
Sa pagtaya nito, sasapat ang oras na kanilang iginugugol upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magpartner sa mga dapat nilang malaman bago pumasok sa buhay may asawa.











