CAUAYAN CITY- Iniurong ang orihinal na petsa ng kasalang bayan sa Lungsod ng Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Information Officer Paul Bacungan ng City of Ilagan, sinabi niya na nang dahil sa marami ang nagpahayag na makiisa sa kasalang bayan ay inilipat sa Pebrero 28 ang tentative date nito mula sa dating Pebrero 14.
Ang naturang pagdiriwang ay maaari umanong ganapin sa Committee Center sa Centro Poblacion.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 140 couples ang nakapagpa-rehistro ngunit target ng pamahalaang lokal na maabot ang 200 na bilang ng mga couples.
Nagtutungo na umano ang mga kawani ng Civil Registry sa mga Barangay upang mas mapadali ang pagpaparehistro ng mga gustong makibahagi sa Kasalang Bayan.
Sagot na aniya ng Pamahalaang Lokal ang singsing at mga City Officials na ang tatayong Ninong at Ninang ng mga ito.