CAUAYAN CITY – Patuloy ang Philippine-Australia Army-to-Army Kasangga Exercise ng mga kasapi ng 5th Infantry Division Philippine Army at 1st Batalion Royal Australian Regimen.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, Division Public affairs Office Chief ng 5th ID, sinabi niya na ang naturang aktibidad ay makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng dalawang bansa dahil sa palitan ng mga estratehiya na maaaring gamitin ng Pilipinas at Australia.
Kabilang sa mga aktibidad na kanilang isinasagawa ay Combat Training, Jungle Survival Training, at Surveillance Intelligence Training.
Nakataktda rin silang magtungo sa Santor Detachment sa lalawigan ng Kalinga upang subukin ang kapabilidad ng mga military assets ng bawat bansa.
Samantala, pormal nang nanumpa ang nasa 350 na bagong kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Units o CAFGU Active Auxiliary matapos ang apatnaput limang araw ng Basic Military Training.
Ang mga ito ay mula pa sa Rehiyong 2, Cordillera Region at Ilocos Region at magiging bahagi na ng force multiplier ng 5th infantry Division.
Ayon kay Rigor Pamittan, pinag-aaralan na rin nilang isali sa mga trainings ng mga CAFGU Active Auxiliary ay ang territorial defense.
ang mga bagong kasapi ng CAFGU Active Auxiliary ay na-deploy na sa kani-kanilang mga unit malapit sa kanilang mga tinitirhan.