Nagbigay ng paalala ang isang doktor kaugnay sa kumakalat na impormasyon na ang bird flu ay nakakahawa sa tao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Melanio Lazaro, sinabi niya na ang AH1N1 virus ay karaniwang nakikita lamang sa mga ibon o poultry animals. Ang mga naitatalang kaso ng AH1N1 sa tao ay isolated cases lamang at bibihira.
Madalas na nahahawaan ang mga taong malapit sa mga ibon o poultry animals. Hindi nakamamatay ang sintomas nito sa tao kumpara sa ibon, at may mababang fatality rate sa tao.
Ayon pa kay Dr. Lazaro, ang mga indibidwal na makikitaan ng sintomas o mahahawaan ng avian influenza ay kailangang ma-isolate bago bigyan ng supplemental vitamins upang mapalakas ang kanilang immune system.
Maliban sa karaniwang flu, isa pa sa mga sintomas ay pink eye o sore eyes.
Pinapayuhan din ang mga kumukonsumo ng manok na namatay na may sintomas ng bird flu na sundin ang biosecurity measures at siguraduhing lutuin nang husto ang karne bago kainin.







