--Ads--

“Under control” na ang kaso ng bird flu sa lalawigan ng Isabela, ayon sa Isabela Provincial Veterinary Office.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Helen Sevilla, Provincial Veterinary Officer ng Isabela, sinabi niya na matapos ang kanilang depopulaton sa Gamu at Cauayan City ay nag-negatibo na sa naturang sakit ang  mga samples na kinuha sa 7-kilometer radius mula sa birdf flu infected area.

Malaking tulong ang ginawang culling at depopulation ng ahensiya dahil sa pamamagitan nito ay  nakontrol ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Dr. Sevilla, ang mga raisers na nakuhanan ng mga alagang manok o poultry ay lumagda para sa indemnification claims at sa ngayon ay naipasakamay na ito sa kagawaran ng pagsasaka na siyang pagmumulan ng pondo.

--Ads--

Aniya, lahat ng mga manok na inilalabas sa lalawigan ay hinahanapan ng kaukulang dokumento ng PVET pangunahin na ang negative bird flu test results bago makapag-biyahe.

Mayroon aniyang tatlong checkpoints sa Isabela pangunahin na sa Cordon, Quezon, at San Pablo upang mamonitor ang mga poultry na lumalabas at pumapasok sa lalawigan.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-biyahe sa  mga itik at bibe dahil ang mga ito ang nagsisilbing carrier ng virus sapagkat hindi nakikitaan ang mga ito ng sintomas.