CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng City Health Office 3 ng lungsod ng Cauayan na may pagtaas ng kaso ng chronic kidney disease.
Ayon kay Dr. Harold Bañez, Division Chief ng City Health Office 3, base sa datos dumarami ang kaso ng chronic kidney disease kaya puspusan ang ginagawang hakbang ng opisina.
Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng bloodletting activity sa bawat city health office upang makalikom ng dugo na magagamit para sa mga kailangang maidialysis.
Aniya, maraming mga kababayan natin ang nangangailangan ng regular na dialysis session dahil da kanilang mga sakit.
Kaya napakahalaga na magkaroon ng sapat na banko ng dugo upang sa ganoon ay may magamit ang mga taga lungsod ng Cauayan sakaling kailanganin.
Giit pa ng Division Chief, ang ginagawang bloodletting ng City Health Office ay iba pa sa donation drive na isinasagawa ng red cross.
Samantala, ipinag aanyaya rin ng CHO ang isasagawnag TB Dots Caravan sa darating na Miyerkules, August 20 na isasagawa naman sa CHO 3.










