--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-triple ang bilang ng kinapitan ng coronavirus disease (COVID-19) matapos alisin ang lockdown sa Ghana.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Arnel Silos Sasot, OFW sa Ghana, na bago inalis ang lockdown tatlong linggo na ang nakalipas, ang bilang ng kinapitan ng COVID-19 ay 1,034.

Subalit noong inalis na ang lockdown ay lomobo nang 4,700.

Sinabi ni Sasot na matapos nagtriple ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay walang ginagawa ang pamahalaan ng Ghana upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

--Ads--

Iniutos lamang anya ni Ghanian President Nana Akufo-Addo ang pagpapatupad ng social distancing ngunit mahirap na sundin dahil pumasok ang maraming empleyado ng mga tanggapan at mga bahay kalakal matapos alisin ang lockdown.

Tinig ni Arnel Silos Sasot.