CAUAYAN CITY- Lumobo pa sa 163% ang naitalang Dengue Cases sa Isabela ngayong taon kung saan pumalo na sa anim ang nasawi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Marvin Valiente ang Dengue Coordinator ng Provincial Health Office , sinabi niya na mula Enero hanggang Setyembre ay nakapagtala na sila 2,101 dengue Cases higit na mataas kumpara sa naitalang 1,328 cases noong 2023.
Aniya halos mag doble na ang kaso ng Dengue sa lalawigan hindi pa man natatapos ang taong kasalukuyan kung saan isa sa naging dahilan ay ang nararanasang pag-ulan.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na tuwing tag-ulan ay mas dumadami ang mga kiti-kiti na siyang nagiging lamok na nagdadala ng Dengue Disease.
Sa kanilang Analysis ang Lunsod ang Santiago ang may pinakamataas na kao ng Degue na pumalo sa 268 na sinundan ng Echague at City of Ilagan.
Dahil sa sumisirit na kaso ay nag allocate na sila ngayon ng insecticide at Larvicide sa mga LGU na may matatas na kaso ng Dengue.
Una naring na re-activate ang dengue fast lane sa mga Provincial Hospital para sa mga dengue patients.
Sa ngayon ay hindi pa advisable ang fogging operation hanggat walang niatatalang clustering of case kaya mas pinapaigting nila ang 4’S gaya ng Search and Destroy, Seek Early Consultation, Secure Self Protection,and Spraying.