--Ads--

CAUAYAN CITY– Walang nakikitang lugar na may pagtaas ng kaso ng dengue sa panahon na malamig ang temperatura.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Guido David ng Octa Research na nagsisimula sa panahon ng tag-ulan ang breeding time ng mga lamok na nagdudulot ng dengue fever.

Mayroon na rin aniyang bakuna kontra dengue na maaaring pumasok sa bansa.

Tulad ito ng bakuna kontra COVID-19 na puwede pa ring tamaan ng dengue ngunit makokontrol na ang epekto nito at hindi na malubhang sakit ang mararanasan.

--Ads--

Mas marami aniyang bata ang natatamaan ng dengue dahil maaaring nakagat sila ng lamok habang sila ay nasa paaralan.

Ang pahayag ni Dr. Guido David