--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumaas ang mga kaso ng pangagahasa sa Kasibu, Nueva Vizcaya sa ikalawa at ikatlong quarter ng 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt Melissa Gulan, hepe ng Kasibu Police Station, sinabi niya na nalulungkot sila dahil dumarami ang kaso ng rape sa kanilang bayan.

Gayunman ay nagkaroon na sila ng iba’t ibang inisyatibo kasama ang mga opisyal ng Kasibu at nakapagsasagawa na rin ang kanilang hanay ng information dissemination at lectures sa mga kababaihan at kalalakihan.

Ayon kay PCapt Gulan, sa pagpasok ng 4th quarter ay halos wala na silang naitalang kaso ng rape.

--Ads--

Pinayuhan niya ang mga may kaso ng rape na matagal nang nangyari na lumapit lamang sa kanilang himpilan para hindi na maulit.

Ayon pa kay PCapt Gulan, batay sa pagsasagawa nila ng pag-aaral, ang pangunahing dahilan kung bakit may mga nagagahasang kabataan sa kanilang lugar ay dahil sa pag-iwan ng mga magulang sa kanilang mga anak sa kanilang mga kamag-anak para magtrabaho.

Mayroon din aniya ang mga pagkakataon na dahil sa impluwensya ng social media.