--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang kauna-unahang Coronavirus Disease (COVID-19) positive sa Lalawigan ng Quirino.

Dahil dito ang lalawigan na lamang ng Batanes ang nananatiling COVID-19 free sa region 2.

Sa naging pagpapahayag ni Governor Dakila Carlo Cua ng  Quirino, sinabi niya na ipinabatid sa kanya ang pagkakaroon na ng kauna-unahang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lalawigan.

Ang nagpositibo ay nasa mabuting kalagayan at walang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

--Ads--

Ayon kay Gov. Dax Cua, kahit asymptomatic ang pasyente ay ipina-confine nila  sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.

Aniya, nagsimula na rin ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Naabisuhan na ang mga kilalang contacts nito upang sumailalim sa quarantine.

Pinaalalahanan ni Gov. Cua ang kanyang mga kababayan na huwag mabahala at tiyaking ligtas sa sakit.

Ang pahayag ni Gov. Dakila Carlo Cua ng Quirino