--Ads--

CAUAYAN CITY – Excited na ang may-ari ng kauna-unahang Hydroponic Tulip Farm sa bansa sa paglulunsad ng kanilang negosyo sa Makati City at sa Lalawigan ng Quirino kasabay ng Valentines Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ivo Franssen, may-ari ng Tulip Tuktuk Farm sa Divisoria Sur, Maddela, Quirino, sinabi niya na naisip niyang magpatayo ng Hydroponic Tulip Farm sa Pilipinas dahil Pilipino ang kanyang asawa at anak.

Aniya, dito na sila nanirahan kaya nag-isip sila ng maaring maging negosyo at dahil mahilig sa bulaklak ang mga Pilipino ay napagdesisyunan nilang Tulips ang kanilang itatanim.

Dahil ang Tulips ay hindi nabubuhay sa klima ng Pilipinas na mainit na temperatura ay naisip nilang gawin ang Hydroponic farming dahil marami nang gumagawa nito ngunit wala pang Tulips farming sa Pilipinas.

--Ads--

Isa naman sa naging hamon sa kanila ang pagbili ng Tulip bulbs na nanggagaling pa sa The Netherlands dahil hindi pa nakakapagpatubo nito sa Pilipinas bunsod ng mainit na temperatura.

Kinailangan din nila ng cold storage logistics para mapanatiling nasa mabuting kondisyon ang mga Tulips na tumutubo at lumalaki sa loob ng apat hanggang limang buwan.

Sa ngayon ay nasa walong libong tulips ang nasa kanilang farm sa product launching sa Fairmont Makati City sa ikalabing apat hanggang ikalabimpito ng Pebrero.

Nasa 250 pesos naman ang isang piraso ng Tulip Flowers na kanilang ibebenta.

Ayon kay Ginang Amie Franssen, nakatakda rin nilang  I-showacase ang kanilang produkto sa Divisoria Sur Maddela Quirino at umaasa silang tatangkilikin ito ng mga Pilipino.

Umaasa sila na tatangkilikin ito ng mga Pilipino at mapalawak pa ang Tulips Farming sa Pilipinas pangunahin na ang paggamit ng Hydroponics Farming.