CAUAYAN CITY- Itinayo ang kauna-unahang Philippine Coast Guard Monitoring Station sa Northern Luzon sa Isla ng Itbayat Batanes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Jessa Pauline Villegas, ang tagapagsalita ng Coast Guard District Northeastern Luzon sinabi niya na isinagawa ang inagurasyon kamakailan ng PCG Itbayat Batanes Station.
Ang inagurasyon ay pinangunahan ng National Security Council, North Luzon Command at ilang opisyal ng Philippine Coast Guard.
Aniya ang bagong PCG monitoring station ay kauna unahan sa Northern Luzon at makakasama nito sa pag operate ang iba pang istasyon sa Palawan at Mindanao.
Isa sa mga dahilan sa pagtatatag ng monitoring station sa Batanes ay upang mas mapaigting ang pagbabantay sa mga foreign nationals na mangangahas na pumasok sa teritoryo ng bansa partikular na ang mga barko ng China.
Sa katunayan aniya kamakailan lamang ng may namataang Chinese Research Vessel sa West Philippine Sea kung saan halos 70 percent dito ay dadaan lamang sa teritoryo ng Pilipinas.