CAUAYAN CITY- Inaasahang mabubuksan na kauna-unahang Regional Innovation Center sa mga susunod na buwan para magsisilbing processing center sa lahat ng mga uri ng agriculture product sa buong Lambak ng Cagayan bilang tugon sa oversupply.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ISAT- TESDA Superintendent Edwin Maddarang, sinabi niya na bago ang pormal na pagbubukas ng processing plant ay nagsagawa sila training kaugnay sa mango processing para sa mga mango growers ng Isabela katuwang ang Department of Trade and Industry kung saan umabot sa tatlumpung participants ang nakiisa mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan kasama na ang mga coastal areas.
Ilan sa mga naiturong by products ng na maaring gawin sa manga ay ang dried mango, mango jam, mango wine, mango vinegar, mango puree, mango ketchup at mango ice cream.
Nagpahayag din ng kahandaan ang DTI para tumulong sa labeling at packaging ng mga by product ng mangga.
Maliban sa mangga ay kabilang rin sa pagtutuunan ng pansin ang pineapple processing, banana processing, cassava processing at corn processing.
Samanatala, nakatakdang magbukas na rin ngayong hunyo ang diploma programs ng ISAT-TESDA.