--Ads--

Isang malaking progress sa technology ang naitala sa China matapos matagumpay na ­naisagawa ng isang robot ang delikadong pagkukumpuni ng linya ng kuryente.

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang robot electrician ang nagsagawa ng live repair sa isang 10 kV powerline sa Qingshan County. Ang nasabing robot, na binuo sa pagtutulungan ng Hubei Electric Power Research Institute at Wuhan State Grid, ay gumamit ng laser cutting technology upang maayos ang insulation wire, ikabit ang mga kable, at higpitan ang mga koneksyon nang walang anumang human error.

Ayon kay Wu Xin, isang technician ng Wuhan State Grid, ang robot ay kayang mag-navigate kahit sa mga kumplikadong wiring environments. Higit sa lahat, tinatanggal nito ang panganib ng electrocution para sa mga human electricians.

Karaniwan kasing kailangang suungin ng mga tao ang panganib ng live wires upang hindi magkaroon ng power outage sa lugar habang nagkukumpuni. Sa tulong ng makabagong teknolohiyang ito, naiiwasan ang buwis-buhay na sitwasyon para sa mga manggagawa.

--Ads--