CAUAYAN CITY- Ilulunsad sa Lungsod ng Cauayan ang kauna-unahang Waste water Treatment Plant sa buong Region 2.
Gaganapin ang groundbreaking nito bukas May 8, 2025, sa Tagaran Cauayan City katuwang ang ilang mga private agencies.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Philippine Ambassador to Switzerland Bernard Dy, sinabi niya na layunin ng programa na mapangalagaan ang katubigan sa lungsod.
Hindi lamang ang mga patubig sa kabahayan ang titiyaking malinis dahil sa pamamagitan ng Waste Water Treatment Plant ay magpapakalat sila ng device sa mga ilog upang matanggal ang water pollution.
Sa ilalim ng Water Act na naipatupad sa bansa, tanging ang Cauayan City pa lamang ang magkakaroon ng ground breaking subalit wala pang itinalagang petsa kung kailan ito maimplementa.
Aniya, sinisikap niya itong maisakatuparan dahil ito ay isa sa kanyang proyekto noong siya ay Alkalde pa lamang ng lungsod ng Cauayan.










