--Ads--

CAUAYAN CITY – Inireklamo ng mga residente ng Amobocan Cauayan City sa pamahalaang barangay ang hindi naaayos na streetlights sa kanilang barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Maria Lumelay, isa sa mga residenten nagrereklamo sinabi niya na dalawang buwan nang walang streetlight sa kanilang purok.

Aniya hindi naman napundi ang mga ilaw kundi ang linya lamang ang may problema ngunit hindi pa rin naayos ng pamahalaang barangay.

Pinoproblema nila ito ngayon dahil may mga nakagat na ng ahas dahil madilim sa lugar.

--Ads--

Hiniling nila na maaksyunan na ito ng pamahalaan upang maiwasan na ang mas malaking problema na idulot ng kawalan ng ilaw sa kanilang daan.

Samantala aminado naman si Brgy. Kagawad Mark Salapongol na matagal nang hindi naaayos ang kanilang streetlights ngunit tiniyak niya na napag-uusapan na ito sa kanilang sesyon at marami lang silang ibang pinagkakaabalahan kaya hindi pa ito nabibigyang pansin.

Aniya maging siya naman ay apektado dahil isa rin siya sa mga residente ng nasabing purok.

Humingi naman siya ng pasensya sa mga residente at tiniyak na maaksyunan ang kanilang hinaing.