--Ads--
CAUAYAN CITY – Hinihinalang nagbaril sa sarli ang isang kawani ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2 sa barangay Calamagui 1st , Ilagan City.
Ang hinihinalang nagpakamatay ay si Rey Nino Lagamia, 43 anyos, may-asawa, kawani ng ISELCO 2 at residente ng Brgy. Calamagui 1st, Ilagan City
Natagpuan si Lagamia sa loob ng kanyang kuwarto na wala nang buhay at may tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib at hinihinalang nagpakamatay.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Ilagan City Police Station sa nasabing kaso.
--Ads--