--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang kawani ng pamahalaang lunsod ng Santiago sa isinagawang drug buy bust operation ng mga alagad ng batas sa Villasis, Santiago City.

Ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit ng Station 1 na pinamumunuan ni P/Chief inspector Rolando Gatan, PDEA Region 2 sa pangunguna ni Agent Romarico Pagulayan ay si Walter Apolto Sigh, 46 anyos, kawani ng LGU at residente ng of Centro West, Santiago City.

Nasamsam kay Sigh sa drug operation ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at mga ng boodle money na ginamit sa buy bust operation.

Sasampahan si Sigh ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous drugs act of 2002 ).

--Ads--