--Ads--
Nagbigay ng karangalan sa Cauayan City si Kevin Reforzado matapos tanghalin bilang Mister Continental International Philippines 2025 sa prestihiyosong Mister Tourism Universe Philippines 2025.
Si Reforzado, na kinatawan ng Cauayan City, ay nakilala sa kanyang husay at personalidad na siyang nag paangat sa kaniya sa kompetisyon.
Si Kevin ay nagtapos ng Bachelor of Science in Hospitality Management sa Isabela State University – Cauayan Campus.
Matapos ang tagumpay ay muli siyang sasabak sa Mister Continental International 2026, kung saan siya ang magiging opisyal na kinatawan ng Pilipinas. Ang naturang internasyonal na kompetisyon ay gaganapin mula Enero 28–30 hanggang Pebrero 1, 2026.
--Ads--





