--Ads--

CAUAYAN CITY– Isinagawa ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang kick-off para sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office sinabi niya na ang kick-off ng National Women’s Month ay daan upang bigyan ng pagkilala ang mga kababahan partikular ang women Empowerment.

Nakahanay rin ang ilang aktibidad tulad ng Zumba na idaraos sa Multi Purpose hall ng Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr. sa Baligatan, City of Ilagan, Isabela, kasabay ng isasagawang seminar para sa Republic Act 11313 o Safe space act o mas kilala bilang anti-Bastos Law katuwang ang ibat ibang WCPD ng mga himpilan ng pulisya.

--Ads--

Maliban pa ito sa outreach programs at lectures sa mga estudyante sa mga paaralan maging TESDA Training na pangungunahan ng Officers Ladies Club ng IPPO.

Aminado naman si PCaptain Topinio na hanggang ngayon ay may ilang mga kaso pa rin ng paglabag sa karapatan ng kababaihan na madalas ay naaareglo habang iilan lamang ang nasasampahan ng kaso.

Dahil dito ay puspusan ang Isabela Police Provincial Office ( IPPO ) sa pagsasagawa ng mga seminar na nagsusulong ng kaalaman sa mga karapatan ng bawat kababaihan gayun na rin na mabigyan ang kaalaman ang mga kalalakihan sa mga maaaring kaharaping kaso oras na malabag nila ang karapatan ng kanilang asawa o kinakasama.

Binigyang diin niya na bilang babae ay mayroong pantay na karapatang ipaglaban para sa sarili.

Ang pahayag ni PCaptain Scarlette Topinio