--Ads--

Pinaghahandaan na ang monthlong celebration ng National Women’s Month sa pangunguna ng Philippine Commission on Women.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Anita Baleda, Deputy Executive Director for Operations ng Philippine Commission on Women, sinabi niya na Region 2 ang nangunguna sa Gender and Development Programs. Ito ang naging daan para mabuo ang komite na naglunsad ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

Aniya, pinangunahan ng Region 2 ang kick-off ng Women’s Month Celebration na may temang “Lead like the Babaylan’s Filipinas.”

Ang mga Babaylan ay bersyon ng pre-colonial women na tumatanggap ng mataas na respeto dahil sa kanilang kakayahan. Ngayon, muling ibinabalik ang kanilang imahe bilang ehemplo para sa mga kababaihang Filipina. Maliban sa pangangalaga sa komunidad, ang mga Babaylan din ang nagsusulong at nagtataguyod ng kaayusan sa lipunan.

--Ads--