--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsisiyasat sa naganap na stampede sa Houston, Texas, U.S.A. para malaman ang tunay na dahilan

Si Travis Scoot na kilalang rapper sa Houston ang nag-organisa sa music festival na taunang ginaganap sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaang si Scott ang nag-udyok sa mga tao na gawin ang kaguluhan.

Gusto niyang magulo ang crowd o audience.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan,sinabi ni G. Jon Melegrito, news editor sa isang pahayag sa Washington,Estados Unidos, sinabi niya na minsan nang naaresto si Scott dahil sa pangunguna sa isang riot.

Bahagi ng pahayag ni G. Jon Melegrito

Nais malaman ng mga otoridad kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga organizer at kulang ang crowd control dahil hindi napigilan ang mga manonood na lumapit sa stage.

Kinansela rin ang ikalawang araw sana ng music festival.

Daan-daang security guard at pulis na nagbantay sa concert ngunit maliit lang ang kanilang bilang kumpara sa limampung libong nanood.

Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng mga namatay para mlaman ang sanhi ng kanilang kamatayan.