--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng kilos protesta ngayong araw sa bayan ng Alicia Isabela ang grupo ng mga magsasaka mula sa ibat ibang bayan sa Isabela bilang paggunita sa buwan ng mga magsasaka ngayong Oktubre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Cita Managuelod, ang Presidente ng DAGAMI Isabela, sinabi niya na

ang layunin ng isasagawa nilang martsa at ticket rally sa sentro ng Alicia Isabela ay ang maipahayag ang nararanasang hirap at gutom ng mga magsasaka sa kasalukuyang pandemya.

Aniya hindi pa nabibigyan ang mga ito ng sapat na ayuda at subsidy para sana makabangon man lang sa hindi pagkakaroon ng kita kung saan dalawampung bahagdan lamang ng mga magsasaka at mangingisda ang nakakuha sa ayuda na nagmula sa Department of Agriculture.

--Ads--

Ayon kay Ginang Managuelod ilulunsad sana ito noong ikadalawamput isa ng Oktubre pero nagkaroon ng bagyo kaya hindi natuloy.

Sa lunsod ng Ilagan sana isasagawa ang nasabing pagtitipon ngunit dahil nakalockdown ang lunsod ay sa Alicia na lamang ang naging alternatibong Venue.

Nasa animnapung magsasaka ang nakapagpalista na sasama sa nasabing kilos protesta.

Ipapanawagan sa isasagawang kilos pamamahayag ang pagbasura sa Rice Tarriffication law na naging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka ng palay na halos 8 pesos na lamang kada kilo ang presyo dahil sa unlimited na pag import ng bigas.

Ang bahaging pahayag ni Ginang Cita Managuelod.