--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nagsagawa ng kilos protesta ang mga grupo na tumutuligsa sa pamahalaang Hong Kong sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease( COVID 19).

Sinamantala ng mga raliyista na ilang araw nang COVID free ang Hong Kong.

Sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan, sinabi ng negosyanteng Filipino sa Hong Kong na si Elena Jermice na maayos naman ang mga isinagawang kilos protesta.

--Ads--

Naging disiplinado at nag-iingat aniya ang mga tao sa nasabing teritoryo ng China kaya hindi kumalat ang COVID 19.

Ayon kay Jermice, bahagya lamang ang epekto ng COVID19 sa ekonomiya ng Hong Kong.

Tinig ni Elena Jermice

Sa katunayan ay nagbigay pa ng tulong sa kanilang mga negosyante ang Pamahalaang Hong Kong dahil hindi masyadong naapektuhan ang kanilang national reserves.