--Ads--

Muling inihalal si Kim Jong Un bilang presidente ng state affairs ng North Korea, ayon sa ulat ng state media ngayong Lunes.

Ang muling paghirang kay Kim bilang pinuno ng pinakamataas na policy-making at governing body ng bansa na State Affairs Commission, ay inanunsyo ng opisyal na state news agency na KCNA.

Ayon sa ulat, ang desisyon na muling ihalal si Kim sa pinakamataas na posisyon ng estado ay sumasalamin sa nagkakaisang kagustuhan at kalooban ng lahat ng North Korean citizens.

Si Kim Jong Un ang ikatlong henerasyon ng pamumuno sa bansang itinatag ng kanyang lolo na si Kim Il Sung noong 1948 at namumuno sa bansa mula nang pumanaw ang kanyang ama noong 2011.

--Ads--